“Andra! Sandali! Magpapaliwanag ako..” Habol ni Klaeb kina Andra ngunit hindi siya pinansin. Pakiramdam ni Klaeb ay naulit na naman ang mga panahong halos wala siyang kakampi at walang nagmamalasakit sa kanya. Tinanaw na lamang niya isa-isa ang mga sasakyan na lumabas ng gate hanggang sa mawala ang mga ito sa kanyang paningin. Nasalubong ni Klaeb ang personal assistant ni Kaleb na halos mataranta dahil sa nalaman na sitwasyon ng pangulo at ng mga anak nito. “Mrs. Herman, pakibagay na lang nito kina Andra at Kaleb.” pagkasabi ay inabot ang keycard. Alam ni Klaeb na wala siyang maitutulong sa rescue operation kahit pumunta pa siya sa lugar kung saan tinago nina Mrs. Denver ang kanyang pamangkin at kapatid. Alam niya rin na matalino si Andra at kaya na ng mga ito. Labis na nagdamdam si

