KALEB POV Noong una ay hindi ako naaapektuhan. Akala ko ayos lang ang lahat at madaling tanggapin. Pero bakit parang hindi ko matanggap na wala na kami Andra. Siya lang ang babaeng pinakamamahal ko. Habang masaya kaming kumakain ng ice cream ni Arkin, natawag ang pansin ko ng isang pamilyar na mukha. Hindi ako nagpahalata, nilaro ko ang anak ko. “Bilisan mo dahil malapit na kitang ibalik sa Mommy mo." ginulo ko ang buhok niya na kunwari ay hindi ko nakikita ang lalaking nagmamanman sa amin. “Yes, Daddy. So good?" Ilang minuto pa natapos na rin si Arkin. Nag-aya na rin ito ng kusa dahil giniginaw na. Paglabas ng ice cream parlor, timing na may dumaan na taxi. Pinara ko agad iyon, mabuti at walang pasahero. Nang marating namin ang tapat ng gate ng bahay ng aking mag-ina, nakita kong l

