“Bukas, may lalayang preso. Pagpalitin niyo sila. Eto ang pera, kayo na ang bahala sa mga gwardiya. Maliwanag ba?" paroo't parito na paliwanag ni Zenia. “Yes, Boss!” sabay-sabay na sagot ng mga tauhan niya. Pagkaalis ng mga tauhan, humahalakhak si Zenia na umakyat sa sariling kwarto. Nagbago siya ng plano. Imbes na patayin sa loob sa piitan ang anak-anakan, mas gusto niyang patayin ni Klaeb ang pangulo. Maraming paraan upanag ma-manipulate ang puso at utak ni Klaeb. Subok na niya ang binata. Mabilis itong mahimok. Gusto ko ang larong ito at sa wakas masosolo ko na rin ang kayamanan ni Pablo dahil kayong dalawa naman ni Rios ang isusunod ko, Veron. Si Veron Madrigal ay kasalukuyang asawa ni Rios at ina ni Zoey. Matagal na niyang gustong burahin ang babae ngunit madalas itong kasama ni R

