“Ano'ng ibig mong sabihin?” nagtataka na tanong ni Kaleb. “Hindi totoo 'yan!” sigaw naman ni Klaeb na lalong nanlilisik ang mata sa galit. “Come on, guys. I will not interfere here just to talkshit, am I? Did you ever realize why both of you, magkaiba ang nalalaman?” paismid na sabi ni Attorney Cortez, pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib. Nagkatinginan naman ang kambal at hinayaan siyang magsalita. “Una, DNA. Pangalawa, baog si Zenia a.k.a. impostor n'yong ina. Pangatlo, hindi totoong kasal si Pablo kay Zenia. Last but not the least, magkasintahan si Zenia at Rios Madrigal.” taas ang kilay na lahad ni Attorney Cortez. Para naman nahilo at naging blanko ang utak ni Klaeb at pilit iniintindi ang mga sinabi ng abogado samantalang si Kaleb ay umiling-iling, hindi makapaniwala sa narinig.

