Isang linggo na ang nakalipas ngunit wala pa ring lakas ng loob na sabihin si Andra sa asawa ang tungkol sa pagpapalayas sa kambal nito. Nasa study room ang mga bata samantala sina Kaleb at Andra at nanonood ng balita. Biglang nagkaroon ng flash report tungkol kay Rios Madrigal na bumisita umano itong muli sa piitan. Nagkatinginan sina Andra at Kaleb. Pareho sila ng iniisip. Si Zenia Mortiz lang ang posibleng binibisita nito. Naalala ni Andra si Sanjo tungkol sa misyon na binigay niya dito. Alam niyang malinis magtrabaho si Sanjo. Huminga ng malalim si Andra. Ngunit napabalik ang kanilang mga mata sa telebisyon nang mabanggit ng newscaster ang pangalan ng dating pangulo. “What? Anong ginagawa ko sa lugar na iyan?” Biglang napatayo si Kaleb at tinitigan ang screen kung saan naka-close

