“Kaleb, masaya ka ba?” tanong ni Andra habang nakayakap sa likod ng asawa. Nasa veranda sila habang nakatanaw sa romantikong tanawin ng Eiffel Tower. Kasalukuyan silang nasa France. Isa ito sa bucket list ng mga bata. Katunayan, ito ang kaunahan na lumabas si Kaleb kasama ang mga bata. Napaka-memorable sa kambal ang byaheng ito. Ngayong hindi na presidente ng bansa si Kaleb, nagagawa na niya ang lahat at nabuhos ang lahat ng atensyon sa pamilya. “Sobra. Lalo pa ngayon na buo na ang pamilya ko.” Humarap si Kaleb, tinitigan ang magandang mukha ng asawa. Taliwas sa nakagawiang buhay noon, si Andra ay nagbagong buhay na. Napatitig siya sa maamo at magandang mukha nito. Hindi mababakasan na minsan ang asawa ay sangkot sa mga masasamang gawain. Walang pakialam si Kaleb kung ano man ang nakara

