Five years later. “Daddy, I want ice cream, pwease?” turo ni Akeeva sa Godiva ice cream shop na nadaan nila. Hindi pa rin nito makalimutan. Nangako siya na pagkatapos ng tea party sa bahay ng kapartido sa pulitika ay bibilhan niya ang mga ito upang tumahimik. Karga ito ni Kaleb gamit ang kaliwang braso habang hawak naman sa kanang kamay ang kambal nitong si Arkin. “Me too, me too!" agad na sabi ni Arkin at nagpapadyak ito sa sobrang excited. Napadila pa ito sa mga labi sa pagkatakam. “Oh god, you fools! Aren't you tired and full yet?” sabi ni Kaleb sa mga anak ngunit nakangiti ito. “If you don't buy us, we will tell Mom right away!” pananakot naman ni Akeeva sa ama. “What are you going to tell?" curious na tanong ni Kaleb sa babaeng anak. “Secwet!" maikling sagot ng bata at nagpup

