Bumisita si Kaleb sa ina sa kanilang mansion. Napuna niyang pumapayat ulit ang ina. “Arah, is my Mom alright? Can you ask the doctor to come here? Mom needs health attention. Are you sure you are taking care of her?” kunot ang noo na tanong ni Kaleb sa dalaga. “Yes sir. Kumakain naman siya ng tama sa oras at umiinom ng vitamins," paliwanag nito ngunit umiwas agad ng tingin sa presidente. “Arah, you don't have to talk to me that way. Ako pa rin ito, may nakaraan tayo at hindi ko naman nakakalimutan iyon. Just call me Kaleb kapag tayo lang dalawa.” sabi ni Kaleb ngunit walang emosyon ang mukha. Nais niya lang maging komportable ang babae kahit na presidente na siya ngayon. Hindi naman niya nakakalimutan na may pinagsaluhan sila noon. Ngunit gusto lang din niya iparating sa dalaga na kah

