KASALUKUYANG nag-e-empake ng mga gamit si Mina na dadalhin nila nang tumunog ang cell phone niya. Agad niyang tiningnan iyon. Si Clint pala ang nagtext. Nire-remind siya sa pagsundo sa kanila ni Mang Pedring bukas ng umaga kaya nireplayan niya ito agad. “Ate!” “Jusko, naman, Mela! Papatayin mo ba ako sa sakit sa puso?” sita niya sa kapatid. Muntik na niyang maihagis ang cell phone niya sa sobrang gulat dahil sa biglang pagsulpot nito sa kuwarto niya. “May ibibigay ako sa’yo, Ate,” anito na hindi pinansin ang paghihimutok niya rito. May iniabot ito sa kanyang isang paper bag. “Ano ‘to?” tanong niya. “Buksan mo,” utos nito sa kanya. Binuksan nga niya at ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya nang makita kung ano ang nilalaman ng kahon. “Ano ba ‘yan? Aanhin ko ‘yan? Hindi ako na

