Kinabukasan ay agad ipina-repair ni Mina ang rash guard na gagamitin ni Drake sa beach outing nila sa kanyang nanay. “Lalo kasing tumataba ang batang iyon,” puna ng nanay niya nang sabihin niya ritong walang magkasya na rash guard para kay Drake sa kids section kaya pang-matanda ang kinuha nila at ipapa-repair na lang sa ina. “Oo nga po, ‘Nay, eh. Itinigil na nga raw ni Clint ang iniinom nitong vitamins pero naging hiyang na daw yata niya at nagtuloy-tuloy ang gana nito sa pagkain,” mahabang wika niya patungkol kay Drake. “Kailangan nang kontrolin ni Clint ang paglaki ng katawan ng anak niya. Mahirap na baka maging obese ‘yon,” anang kanyang ina. “Pero gano’n pa man ay napakaguwapo pa rin ng batang iyon. Mana sa ama.” “Oo nga po, ‘Nay. Litaw pa rin ang magandang itsura nito kahit malus

