“By the way, Mina, sa huwebes pala. Is it okay kung si Mang Pedring ang susundo sa inyo papuntang Batangas?” pakiusap ni Clint sa kanya tungkol sa outing na dadaluhan nila. “Oo naman. Walang problema.” “Good. Mauuna na kami ni Drake do’n kasi may kailangan pa akong asikasuhin sa isang pinapatayo naming hotel sa Subic. Dederetso na kami sa resort pagkatapos,” habilin ni Clint sa kanya nang nasa daan na sila para ihatid silang mag-ina sa kanilang bahay. “Sige.” “Tito, excited na po ako makapunta ng beach,” biglang sabi ng kanyang anak. Nakita niyang ikinangiti iyon ni Clint. “You will surely enjoy there, JB,”anito na nilingon ang kanyang anak. “Is this your first time to go on a beach?” “Opo, Tito.” “Don’t worry. Tuwing may bakante akong oras o di kaya’y wala akong masyadong trabah

