Chapter 4

1859 Words
“N-natapakan kasi ng isang babae kanina,” agap na paliwanag niya. Inunahan na niya ito bago pa man ito magtanong at para mapagtakpan na rin ang hiyang kanyang nararamdaman. Ngumiti lamang ito nang parang balewala lang dito ang sinabi niya. “Gusto niyo bang magmeryeda muna tayo?” Pag-iiba nito sa usapan, malamang ay nahalata nito na nahihiya siya sa nangyari. “Ha? Ano kasi…” hindi niya maituloy-tuloy ang gusto niyang sabihin dahil hindi siya makaapuhap ng puwede niyang idahilan upang tanggihan ang paanyaya nito. “Please?” pakiusap nito sa kanya. Mukhang na-sense yata nito na tatanggi na naman siya sa ikalawang pagkakataon. “Pagbigyan mo na kami, noong nakaraan tinanggihan mo ang imbatasyon ko. Sana mapagbigyan mo na kami this time. Please?” Paano pa kaya siya makakatanggi nito? Hindi niya mabigyan ng tamang explanation ang nararamdaman nang mga sandaling iyon. Nagtatalo ang isip niya dahil sa sinabi nito na naging dahilan upang maging mabigat ang pakiramdam niya. Lalo na’t pati ang dalawang bata ay nakatingin din sa kanya at pawang nag-aantay ng sagot niya. “Say yes, Tita. Please?” semugunda pa ang anak nitong si Drake para pumayag lang siya. Ano pa bang magagawa niya kung hindi ang pagbigyan na lang ang mag-ama. “O-okay. Payag na ako,” anya na sinabayan pa nang buntong-hininga. Yehey!” tuwang-tuwang reaction ni Drake. “Okay. Wait for me here. I’ll just get the car,” pagpapaalam nito saka mabilis na naglakad patungo sa sasakyan nitong nakaparada sa ‘di kalayuan. Tumigil ito sa harapan nila. Lumabas at pinagbuksan sila ng pintuan ng sasakyan. Una nitong pinaupo ang dalawang bata sa backseat. Nang akmang bubuksan na sana niya ang pintuan sa may bandang passenger seat ay bigla siya nitong inunahan. “Please, let me.” Lihim siyang nasorpresa sa pinakita nitong gesture. Hmmm…Gentleman, huh? “Salamat.” “You’re welcome.” Saka ito umikot sa kabilang side ng sasakyan. Nagkaroon tuloy siya nang pagkakataon na pagmasdan ito. Napakakisig at talagang ang guwapo nito. Biglang napadako ang kanyang paningin sa biceps nito. s**t! napamura siya ng lihim. Kung saan-saan na napupunta ang imagination niya. Hindi tama na humanga siya sa taong may asawa. It’s not her cup of tea. Huminga siya nang malalim para iwaksi kung anuman ang nasa malikot niyang isip. Napakasuwerte ng asawa niya, lihim na lang niyang naibulong sa sarili ang mga katagang iyon. Pinaandar na nito ang sasakyan. Habang nagmamaneho ito ay panaka-naka siyang napapasulyap sa gawi nito. Masayang nagkukuwentuhan naman ang dalawang bata sa likod. Wala siyang ideya kung saan sila nito dadalhin para magmeryenda. Nahihiya rin naman siyang mag-initiate ng topic para lang may mapag-usapan sila. Nakikiramdam lang din siya rito. Nang biglang inihimpil nito sa isang tabi ang sasakyan, nagtataka man ay hindi na lang siya nagtanong. Lihim na lang siyang nakiramdam. “Maiiwan ko muna kayo saglit may bibilhin lang ako,” pagpapaalam nito. “Don’t worry, I’ll be quick.” “S-sige,” wala sa loob na sagot niya. Mabilis itong umibis ng sasakyan. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Mga hilera ng mga botique naman ang nakikita niya. Nang biglang maalala ang nasira niyang sandal. Pero paano siya makakabili? Walang kasama ang bata kung pati siya ay bababa. Sa kawalan nang maisip na paraan paano makakabili ay napabuntong-hininga na lamang siya. Saka na lang niya isipin mamaya paano siya magsasabi kay Clint na maghanap sila ng bilihan ng pamalit niya ng sapin sa paa. Pagkatapos ng halos bente minutos ay natanaw niyang pabalik na si Clint. May bitbit itong isang paper bag. “Here,” sambit nito sabay abot sa kanya ang paper bag nang makapasok na ito sa loob ng sasakyan. Nagtataka naman niyang inabot ang paper bag. “Change your sandals.” Oh, sandal pala ang binili nito kaya lumabas saglit. Lihim siyang nakaramdam ng kilig sa ginawa nito na agad naman niyang iwinaksi sa isipan. “S-salamat. Naunahan mo ako, magsasabi palang sana ako sa’yo na kung puwede maghanap muna tayo ng mabilhan ng sandals.” “You’re welcome,” anito na sinamahan pa ng tipid na ngiti. “Magpalit ka na muna bago tayo umalis para naman hindi ka asiwa riyan sa sirang sandal mo.” Sumunod siya sa sinabi nito, yumukod siya para magpalit ng sandal. Hmmm… Eksakto. Galing naman manantiya ng lalaking ‘to. “Tara na?” yaya niya nang matapos niyang maisuot ang sandal at maayos ng mabuti. Tinago niya sa paper bag ang nasirang sandal. “It suits you,” anito na sa harap nakatuon ang mga mata kaya hindi niya naaninag kung ano ang ekpresyon ng mukha nito. Ibig sabihin, pinagmamasdan siya nito habang sinusuot niya ang sandal na binili nito. “Salamat. Eksakto sa paa ko,” may ilang at medyo nahihiyang sambit niya sa lalaki. Ngumiti lang ang lalaki. Kapagkuwan ay pinaandar na nito ang sasakyan saka sila umalis sa lugar na iyon. Gusto niya sana itong biruin na sanay na yata itong bumili ng gamit ng babae pero naalangan siya na baka ma-offend ito kaya tinikom na lang niya ang bibig. Sa isang mamahaling restaurant sila nito dinala. Nalula siya sa mahal ng presyo ng mga pagkain doon. Kahit masasabing umangat na sila sa antas sa buhay dahil malakas ang kanilang negosyo ay nanatili pa rin silang simple. Ni minsan ay hindi pa nila naranasan kumain sa ganoong kamahal na restaurant. Kaya hindi siya pamilyar sa mga pagkaing nasa menu. Hindi niya tuloy alam kung ano ang kanyang o-order-in. “Ito na lang sa ‘kin, itong carbonara with meatballs at mango shake.” Iyon lang ang pamilyar sa kanya na nasa menu. Saka hindi siya ganoon kagutom kaya iyon lang ang in-order niya. “Make it two,” agap nito na tiningnan ang waiter. “And one ice tea for me. How about you, kids?” “Daddy, I want ice cream, can I have one, please?” nakikiusap na saad ng anak nitong si Drake sa ama. “Just for today?” “Of course, baby. How about you, JB? You want ice cream, too?” baling na tanong naman nito sa anak niya. “Sige po, Tito.” “Gusto mo ba ng iba pang pagkain, JB? Mahilig ka ba sa pasta? Masarap ang lasagna nila rito. Would you like to try?” “Sige po, Tito. Saka isang ice tea po,” magalang na sagot ng kanyang anak. “Okay.” Saka ito tumingin sa waiter. Sinabi nito sa waiter ang lahat ng kanilang in-order. “Taga-Maynila rin pala kayo?” tanong nito nang makaalis na ang waiter para ihanda ang kanilang order. “Hindi. Taga-Nueva Ecija talaga kami, kalilipat lang namin dito. Magdadalawang linggo palang,” aniya. “Really?” anito na may kunot ang noo. “Bakit naisipan niyo lumipat dito? Mas hamak na mas maganda tumira sa probinsya, ‘di ba?” Mausisa pala ito. Pero may punto naman ito. Dangan nga lang at mas maalwan ang takbo ng buhay nila kung magkakasama na silang pamilya rito sa Maynila. “Oo. Pero naisip kasi namin ng kapatid ko na mas maige kung kunin na rin namin ang mga magulang namin dito at si JB para hindi na rin kami nahihirapan na paroo’t-parito sa Maynila,” mahabang paliwanag niya. “Sabagay. Mahirap nga naman ang malayo. Ano ang negosyo niyo ng kapatid mo?” patuloy na pang-uusisa nito tungkol sa buhay niya. Wala naman siguro masama kung ibibigay niya ang konting impormasyon ng kanyang buhay. Hindi naman siguro iyon kalabisan and she think, he is a good man. Masaya itong kausap kaya kahit paano ay nawawala ang pagkailang niya rito. “May coffee shop kami.” “Hmmm…” tumatango-tangong sambit nito. Kapagkuwan ay kumunot-noo ito. Halatang magsasalita pa sana ito dahil bumuka ang bibig nito nang biglang dumating ang kanilang mga order. Inayos nito ang pagkain ng anak nitong si Drake. And to her surprise ay pati pagkain ng anak niyang si JB ay inayos din nito. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon. Tahimik lang siyang nakamasid sa ginawa nito. Masayang kumakain ang dalawang bata habang sinasabayan din ng kwentuhan ng mga ito habang siya ay tamilmil na kumakain. Hindi niya maintindihan pero parang may panghihinayang siyang nararamdaman sa isiping may asawa na ito. Mula nang iwan siya ng tatay ng anak niya ay hindi kailanman naagaw nang kahit na sinong lalake ang atensyon niya. Ngayon lang, at sa taong may asawa pa. “By the way, nabanggit mo kanina na mga magulang mo ang kasama niyo lumipat dito sa Maynila. I- I hope you don’t mind my asking, but where is your husband?” Napatda siya sa tanong nito. Mabuti na lang kahit nasa ibang planeta ang isip niya ay nagawa pa rin niyang maging alerto. She never expected him to asked her husband’s whereabouts. “Ah… A-ano…s-single parent ako,” deretsahan niyang sagot. At nahalata niyang nagulat ito sa rebelasyon niya. “Pareho pala tayo.” Siya naman ang nagulat sa rebelasyon nito. Gustuhin man sana niyang magtanong ngunit nag-aalangan siya na baka lumagpas siya sa limitasyon niya. Buong akala niya ay may asawang tao ito. Kaya mas minabuti na lang niyang ituon sa pagkain ang kanyang atensyon. Bigla rin kasi siyang nakaramdam ng ilang sa pagitan nilang dalawa nang malaman ang bagay na iyon sa lalaki. Hindi niya maintindihan pero parang ikinatuwa niya ang naging rebelasyon nito na single dad din ito katulad niya. Pero agad niyang pinalis sa isipan ang bagay na iyon. Nakakahiya. Hindi na rin naman na ito nagbanggit pa o nagtanong ng kahit ano tungkol sa ama ni JB. Kung kaya’t tahimik na lang niyang tinapos ang kanyang pagkain. Pawang ang dalawang bata lang ang nag-iingay sa mesa nila. “Salamat, Mr. Herrera, sa pag-imbita sa’min magmeryenda,” pagpapasalamat niya nang maghanda na silang umalis sa restaurant. “Nah. Drop the formality. You can call me by my first name.” “Okay, C-Clint,” nautal na sambit niya sa pangalan nito. “Ihatid na namin kayo pauwe,” pagpresinta nito sa kanila. “Naku, hindi na. Masyado ng abala sa inyo ‘yon ni Drake. Magta-taxi na lang kami,” tanggi niya. “Ayos lang naman, hatid na namin kayo,” pagpupumilit pa rin nito. “Hindi na talaga, Clint. Abala na sa inyo,” mariin niyang pagtanggi. “Okay, sige. Hindi na ako magpupumilit.” Nakahinga siya nang maluwag nang hindi na rin ito nagpumulit pa. Nagpaalam na sila rito. Ngunit, natatawa siya sa dalawang bata dahil halos ayaw nang maghiwalay. Talagang magkasundong-magkasundo na ang mga ito. Nagkatinginan na lang silang dalawa ni Clint. “Bye, Tita and Kuya JB,” may himig lungkot sa tinig na pagpapaalam ni Drake sa kanila nang sumakay na sila sa taxi. Ngumiti siya sa bata bago tuluyang pumasok. Kumaway naman ang anak niya. Kumuway din sa kanila si Clint. Nang gabing iyon ay hindi maalis sa isip ni Mina si Clint. Nakakaramdam siya ng kakaibang saya pero hindi niya maintindihan kung bakit. Pero kagyat din niyang pinalis iyon sa isipan. Kinuha na lang niya ang tuwalya at pumasok sa banyo. Nagpasya siyang maligo na lang sakaling maalis sa sistema niya si Clint.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD