Mabuti na lang at uminom siya ng gamot sa hilo bago sila nagbiyahe kanina. Mahina kasi siya sa mga ganitong klaseng rides, mabilis siyang mahilo baka sumakit pa ang ulo niya kapag nagkataon. “Daddy, I want to play that one,” ani Drake sa ama na itinuro ang isang uri ng laro kung saan maghahagis sila ng isang ring at i-shoot sa ulo ng bote. “Okay. I think that one is fun,” sagot ni Clint. Hindi na siya sumali sa laro ng mga ito dahil hindi naman siya marunong sa paghagis-hagis niyon. “Hirap naman i-shoot, Dad?” laglag ang mga balikat na sumusukong saad ni Drake. “Ay, na-shoot ko ‘yong isa!” tuwang-tuwang sigaw ni JB na umagaw sa atensyon ni Drake. Pumalakpak naman ito agad sa tuwa. Ngunit sa huling paghagis ni JB ay hindi na na-shoot sa bote, kaya hindi rin sila nakakuha ng premyo.

