HINDI MAPALIS-PALIS ang ngiti sa mga labi ni Clint habang pinagmamasdan ang anak na si Drake. Masayang-masaya ito habang nakikinig kay Mang Manoling na tumutugtog ng gitara habang kumakanta. Ngayon lang niya nakita na ganito kasaya ang anak niya. Noong nasa America sila upang dalawin ang mommy at daddy niya ay hindi ito ganoon kasaya. Oo, masaya naman ang anak niya pero hindi kagaya ngayon. Iba kasi ang karisma ni Mang Manoling sa pakikipaglaro sa mga bata. No wonder, ganoon na lang ipagmalaki ni JB ang lolo nito. “Mina, anak, halika sumali ka sa amin.” Narinig niyang pagtawag ni Mang Manoling kay Mina. Sinundan niya nang tingin ang tinitingnan nito. Nakita niyang palapit si Mina at ang nanay nito sa kinaroroonan nila. “Mama, kumanta ka rin,” ani JB sa ina nito. “Oo nga, anak,” segund

