May ngiti sa aking labi ng isara ko ang pinto ng refrigerator ko. Grabe nagkaroon na nang laman ang aking ref. Ngunit biglang sumama ang aking mukha nang maalala ko ang bigas na hindi ko nakuha. Sobrang sayang na sayang talaga ang dami ko sanang bigas ngayon! Pabagsak tuloy akong naupo sa sofa. Tiyak na babawian ako ni Dakido nito oras na magkita kami lalo at nalaman niya na ako ang kumuha ng laman ng refrigerator nito. Kung puwede lang na umalis na ako sa V – Private Detective ay ginawa ko na sana. Kaso may kontrata ako at hanggang anim na buwan. Saka ayaw kong magbayad ng danyos, sayang ang aking pera. Muli naman akong napatingin sa manibela na ninakaw ko kay Dakido. Tiyak na sa akin hahanapin ang manibela na ito dahil ako lang naman ang pumasok sa bahay nito. Baka sakaling na ako ng l

