Hindi ko ininda ang pagtama ng katawan ko sa mga bato na pinaggugulanga ko. Talagang nagpilit kong gumulong pa ng mas malayo dahil muli na naman akong papatatamaan ng hawak nilang bazooka. Medyo nag-aalala rin ako at baka maraming madamay na tao. Hanggang sa huminto ako sa paggulong ko. Dahil huminto rin ang mga hayop sa pagpapatama ng bazooka sa akin. Mabilis kong kinuha ang aking facemask na nasa loob ng bulsa ng pantalon ko. Hindi ko pala nailagay kanina nang lumabas ako ng restaurant. Kaya nakita ang aking mukha.. Nang tuluyan akong makabangon ay mabilis kong kinuha ang ang baril at sunod-sunod kong binaril ang taong nasa loob ng truck. Nakita kong inaayos nila ang bazooka na hawak. Nanlilisik ang mga mata ko, pagkatapos ay sunod-sunod kong kinalabit ang gatilyo ng baril kong hawak.

