(Paula’s POV) Aba nga naman! Mukhang binigyan ako nang pagkakataon na masapak ko ito. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao dahil sa sobrang gigil sa lalaki. Hindi muna ako umalis sa aking pwesto. Nakatingin lamang ako sa baklang langaw na makakalaban ko ngayon. Sa tindig pa lang nito ay sobrang angas nang dating nito at talagang nakakainit ng dugo. Dapat talaga ay may dala-dala akong lason para isaksak sa bungo nito. Balak ko na sanang humakbang nang tapikin ni Ms. Hell ang balikat ko. Agad akong lumingon sa aking Amo. “Sa ‘yo ako nakapusta, Paula. Kaya galingan mo! Sabagay, hindi ako nagdadalawang isip na pumusta sa ‘yo dahil sa husay mo sa pakikipaglaban!” Ngumisi pa sa akin si Ms. Hell. Kakamot-kamot na lamang ako sa aking ulo. Hanggang sa magdesisyon na akong humakbang para p

