Naramdaman ko ang panggigigil ng lalaki sa aking labi. Isabay na tuwang-tuwa ang mga taong nanonood sa amin ni Xavier. Hindi puwede ito, kailangan kong makawala sa lalaking ito. Nakakahiya sa mga taong nandito. Kaya naman lali akong nanggigil dito. Akala yata nito ay basta na lang niya akong madadala sa halik niya. Kaya naman mariin kong kinagat ang ibabang labi ng lalaki. Hindi ko talaga binitawan hangga't hindi nito binibitawan ang pulsuhan ko. Hanggang sa buong lakas kong sinuntok ang lalaki at sapol na sapol sa gitna ng mata nito. Buong lakas ko ring itinutak si Xavier at pagkatapos ay nagmamadali na akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa buhangin. Tumingin ako kay Xavier na ngayon ay nakahiga sa buhangin habang may ngiti sa mga labi nito. Iiling-iling lamang ako na nilampasan ko

