Dalawang araw ang nagdaan. At sa loob ng araw na ‘yon ay patuloy kong hinahanap ni Mr. Singko. Mula nang mahuli namin si Mr. Kinse ay bigla naman ang pagkawala ni Mr. Singko. Mukhang nakatunog ang hinayupak na lalaking 'yon. At ngayon ay puspusan ang paghahanap ko sa peste na si Mr. Singko at baka makatakas pa ang hinayupak. Kailangan namin itong makita at baka magulat na lamang kami na may kagaguhan na naman itong ginagawa sa mga inosenteng tao. Naku! Baka matulad ito kay Mr. Kinse na mawalan ng kaligayahan. Galit pa naman si boss Zach sa mga taong rapist. Kawawa talaga sila kay boss. Pero walang bakas na umalis ng Baryo Faldok ang lalaki. Sabagay, maraming paraan para makatakas ito. Ngunit hahanapin ko pa rin ito kahit saan ito magpunta. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Dinig

