Agad akong ipinasok sa isang kulungan nang makarating kami sa kuta ng mga taong humili sa akin. Nakita ko agad ang papag na tanging lumang karton at isang unan ang nandito. May maliit din pa lang kumot. Puwede na ito sa akin. Agad tuloy akong lumapit sa papag para mahiga na, saka inaantok na ako. Mukang wala rin akong balak na pakawalan ng mga taong ‘yon. Mas mabuti pang matulog na lamang ako. Kaya naman saktong paglapat ng aking likod sa papag ay agad akong dinalaw ng antok. Kinabukasan nagising ako dahil sa iyak ng mga bata. Balak ko pa sanang matulog pero sumabay rin sa pag-iyak ang mga matatanda. Gosh! Ano bang nangyayari? Bakit nag-iiyakan sila? Kagabi pa sila umiiyak, hindi pa rin sila matapos - tapos? Diyos ko naman! Inis tuloy akong umalis sa papag. Iinat-inat akong lumapit sa

