AGAD kong itinutok ang baril ko papunta sa taong humihila sa aking paa. Gigil na gigil kong kinalabit ang gatilyo ng baril ko nang makita ko ang taong humihila sa akin. Hingal na hingal tuloy ako. Ngunit hindi ka agad tumayo mula sa pagkakahiga ko sa lupa. Bigla ko ring natapik ang aking noo. Bigla akong na-stress. “Ayos ka lang, huh? Ano’ng masakit sa 'yo?" Napatingin naman ako sa lalaking dumating at agad na lumapit sa aking tabi. Nanlalaki ang mga ko nang makilala ko mukha nito. At ito lang naman ang tomboy na kausap ko kagabi sa loob ng bar. Nakita kong dali-dali nitong inalis ang tali sa isang paa ko. Agad din niya akong inalalayan na tumayo para umalis na rito. Muli akong napangiwi nang maramdaman ko ang kirot ng aking lakod Hayop naman talaga, oh! Bigla akong napangiti sa tomboy

