Kumunot ang aking noo dahil sa boses na ‘yon mula sa kabilang linya. Aba't, may tumatawag na kay Xavier na bagong sweetheart? Hindi pamilyar ang boses. Pero nakakainis pakinggan ang boses ng haliparot na babae. “Hmmm! Mr. Doctor, ano pa bang kailangan mo sa akin? Mukhang nandiyan na ang nobya mo dahil tinawag ka nang sweetheart. Hindi mo na kailangan ang mga hula ko," anas ko sa lalaki. “Hindi ko siya nobya. Isang babaeng nag-aastang magkasintahan kami. Huwag mong iligaw ang usapan, Gurauten. Hihintayin kita!” At biglang nawala sa ito sa kabilang linya. Nagkibit balikat na lamang ako. Iiling-iling na ibinaba ko na lamang ang aking cellphone. Muli akong tumingin sa bangkay ng isang babae. Awang-awa ako sa sinapit nito mula sa mga kamay ni Mr. Singko. Hayop na 'yon ang sarap isumpa. “An

