Nakahinga lang ako ng maluwag nang matapos ang interview kay Xavier. Kahit gusto kong patayin ang tv ay hindi ko magawa dahil ayaw ng aking anak. Talagang nakatutok ito sa tv at paulit-ulit na sinasabi nito na idol daw niya si Xavier. Nang tumingin ako sa mukha ng aking baby girl ay nakita kong inaantok na ito. Agad ko itong binuhat para dalhin sa kwarto nito. Pagdating sa loob ng silid ay dahan-dahan ko itong hiniga sa kama. Inayos ko rin ang kumot para ilagay sa katawan ng anak ko. Tumitig ako sa mukha nito, kung alam lang nito na ang taong idol nito ay siyang ama nito. Hinaplos ko na lang ang buhok nito. Hindi ko alam kung hanggang kailangan ko kayo maitatago sa Ama ninyo. Sana lang ay hindi nito malaman na may anak siya. Sabagay, hindi naman siguro dahil apelyido ko ang dala-dala ng

