Mabilis akong umiwas ng tingin sa dati kong asawa. Dali-dali akong lumapit sa aking anak. “Pasensiya na po, medyo makulit ang anak ko,” anas ko sa lalaki at medyo iniba ko rin ang tono ng boses ko upang hindi ako makilala nito. “It’s fine.” Tumingin ito kay Hope at ngumiti. “Mommy, please! Kuhanan mo kami ng picture ng idol ko—” Pakiusap ng makulit kong anak. No choice ako kundi pagbigyan ito, dahil iiyak ito kapag hindi ko napagbigyan. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone. Medyo nagulat pa nga ako nang buhatin ni Xavier ang aking anak. Diyos ko po! Sana ay hindi mapansin ni Xavier na medyo makahawig sila ni Hope. Ngunit paano na kung Harvel na ang makaharap ni Xavier? Tiyak na magtataka ito. Dapat hindi magkita si Harvel at si Xavier. Nakita ko noon ang dating picture ni Xavier

