(Xavier’s PoV) Dali-dali kong kinuha ang papel na hawak ng aking tauhan. Ayon sa nakasulat dito ay si Helena ay namatay dahil nasagasaan ng kotse. Walang kumuha sa bangkay nito. Nakilala lang na si Helena dahil sa id nito. Ngunit kahit magulang ng babae ay hindi kinuha ang bangkay. Mas lalo akong nag-shock nang malaman ko na nabangga ito noong araw na pinaalis ko ito sa aking bahay. Mahigpit ko tuloy ikinuyom ang aking mga kamao. Ang ibig sabihin ay ako ang may kagagawan kaya namatay ang aking asawa. Malakas ko tuloy na hampas ang ibabaw ng table. Gusto kong iumpog ang aking ulo sa pader dahil wala akong kwentang asawa. “Mr. Xavier, may isa pa akong nalakap na balita. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ng babaeng ‘yon. Ngunit noong araw na lumabas ng gate si Ma’am Helena ay may m

