Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa babae. Unti-unting namunbalik ang mga ginawa nito sa akin noon. Ngunit kailangan kong pakalmahin ang aking sarili lalo at kasama ko ang aking dalawang anak. Isabay pang nandito kami sa loob ng Mall. “Bitawan mo siya!” narinig kong sigaw ng isang ginang. Kahit hindi ako tumingin ay alam ko kung sino ito. Walang iba kundi ang hilaw kong beyanan. Siya si Mrs. Xaron na peke lang ang pakikisama sa akin noo. Minsan kasi ay nahuhuli ko ito na panay ang irap sa akin, eh, wala naman akong ginagawang masama dito noon. “Pasalamat ka’t dumating ang kakampi mo, kung hindi baka, kanina ko pa ginawang vacuum ang mukha mo!” mariing sabi ko at iba rin ang boses ko upang hindi nito makilala. Mala-demonyo rin akong ngumisi, hanggang sa buong lakas kong itinut

