(HELENA’S POV) Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Puting kisame ang aking nakikita. Hanggang sa maalala kong nandito ako sa hospital. Mabilis akong bumangon nang nakita kong gumalaw si Harvel. “Anak Harvel—” Agad ko itong hiyakap. “Mom, ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit may mga sugat ka na naman?” tanong sa akin ng mahal kong anak. “Wala ito anak. Ikaw ang dapat kong alalahanin, teka, may masakit ba sa ‘yo? Sabihin mo kay Mommy.” “I'm okay, Mom. Gusto ko nang umuwi—” “Hintayin natin ang sasabihin ng doctor mo kung kailan ka papalabasin. Gusto rin makatiyak ni Mommy na ayos lang ang lagay mo anak—” Sabay haplos ko ulo nito. Bigla akong napangiti namang marahan itong sumagot ng ‘OPO’ sa akin. Hanggang sa marinig kong bumukas ang pinto. Hindi ako lumingon kasi alam ko na ku

