Nakita kong natakot ang nurse sa malakas na sigaw ko at isabay pa ang mga mata kong nanlilisik habang nakatingin dito. “Ma'am, kailangan ka po muna naming magamot! Puro sugat ka po—” “Tangina naman, oh! Ayaw kong magpagamot! Ang gusto ko ay sabihin mo sa akin kung nasaan ang kwarto ng aking anak na si Harvel Avengo, sumagot ka ng tama kung ayaw mong samain sa akin!” gigil na gigil kong sabi sa nurse. Nanlalaki rin ang mga mata ko habang nakatingin sa babaeng nurse. Napansin kong natakot ang nurse, kaya naman agad na nitong sinabi kung saang room na roon ang aking anak. Dali-dali akong tumalikod sa nurse at hindi na ako nag-thank you rito. Napansin kong nakatingin sa akin ang ibang mga tao rito sa hospital. Ngunit wala akong pakialam. Agad kong inalis ang suot kong facemask na may mga

