(PAULA’S POV) Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ni Mr. V. Magkakasunod tuloy akong napalunok. Alanganin din akong ngumito rito. Bigla rin akong nakaramdam ng hiya. Diyos ko po! “Mr. V. ayos lang po ako. Medyo malamig po sa opisina mo kaya ganito ako. Huwag ka pong mag-alala. Gagawin ko ang aking makakaya upang magampanan ko ang aking trabaho,” anas ko sa may-ari ng V – Private Detective. Magaan din akong ngumiti sa lalaki. Pero sobrang natutuwa ako dahil agad akong natanggap bilang private detective. “May tiwala ako sa 'yo. Hindi kita kukuhanin bilang private detective kung wala akong tiwala sa ‘yo.” Agad itong tumayo sa kinauupuan. Nakita kong may kinuha ito sa loob ng drawer. Mayamaya pa’y may inabot ito sa akin. Agad kong hinawakan ang tangkay na bag. Ngunit mabilis akong napali

