Nakikita ko ang pag-aalala sa mukha ng tiyahin ko. Sabagay kaya naging pasaway ang mga anak nito ay kagagawan din ng tiyahin ko. Lahat kasi ng hiling nina Corel at Loselyn ay agad na binibigay ni tiya Erdena. Siya rin ang nahihirapan sa katigasan ng ulo ng dalawang anak nito. “Tiya Erdena, kailangan po niyang madala sa hospital, lalo at nakikita kong nanghihina si Corel. Agad akong lumapit sa pinsan ko upang hawakan ang kamay nito. Ramdam ko ang takot nito sa asawang adik. “Hindi natin siya puwedeng dalhin sa hospital, Paula. Natatakot ako para sa lagay ni Corel, baka kung ano’ng mangyari sa kanya at sa akin apo,” nangangamba na turan ni tiya Erdena. Kumunot ang aking noo na tumingin sa tiyahin ko. “May mas malapit pong hospital dito, saka hospital po ‘yon, tiya at malalaman natin kung

