Iiling-iling na itinago ko ang aking cellphone. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na akong naglakad papunta sa bahay ng tiyahin ko. Nakita kong kausap ni tiya Erdena si Corel. Magalang ko na lamang silang binati. Pagkatapos ay malalaki ang aking hakbang papunta sa kusina para dalhin ang dala-dala kong ulam. Agad akong pumasok sa munti kong silid. Tinamatamad pa akong bumalik sa V- Private Detective kaya bukas na lang. Kaya nang lumapat ang aking likod sa papag ay agad akong nakatulog. Kinabukasan ay para akong ipo-ipo sa bilis ng kilos ko. Medyo nagtaka pa nga ako dahil hindi ako inuutusan ng tiyahin ko. Aba! Pagkagising ko ay may nakahanda na ring pagkain na ngayon lang nangyari sa tanang buhay ko. Wala rin akong narinig na pagbubunganga nito na kaunti lang daw ang inaabot kong pera sa kanya

