Nakita kong kinuha nito ang alak at kahit nagdadalawa ang tingin ko kay Dakido ay nakita ko pa ring tinungga nito ang alak. Ngunit mabilis kong inagaw rito dahil balak pa nitong ubusin. Kaya lang tuluyan na nga nitong naubos. Inis tuloy akong tumingin sa lalaki. Mabilis kong inangat ang aking kamay papunta sa leeg nito para sakalin ang lalaking tila Don ng buong mundo. “Matulog ka na, Paula. baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo…” bulong ng lalaki sa akin punong tainga. Naramdaman kong humawak ito sa aking batok ng mahigpit. Hanggang sa walang kahirap-hirap nitong inilapit ang labi niya sa aking labi rin. Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko lang ay antok na antok na ako at tuluyan na akong nilamon ng karimlan. Nagising akong parang mahilo-hilo at par

