Nanlalaki ang mga mata ko nang makita kong balak din akong hampasin ng upuan ng isang kalaban ko. Agad kong inangat ang aking paa at buong lakas kong sinipa ang itlog nito at halos mamilipit ito sa sobrang sakit. Ngunit muli ko itong sinipa sa leeg nito kaya tuluyan itong nawalan ng malay tao. Napatingin naman ako sa lalaking nasa uluhan ko. Mabilis kong kinuha ang kutsilyo na nasa gilid ko. Pagkatapos ay basta ko na lang sinaksak ang binti nito at dinig na dinig ko naman ang pagdain nito. Agad din nitong nabitawan ang hawak na baseball bat. Dali-dali naman akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa sahig. Hanggang sa napansin ako sa mga tauhan ni boss Zach na dumating. At isa-isang kinuha ang mga criminal na akyat bahay. Agad ko ring sinabi sa kanila na mayroon pa sa loob ng banyo ay kwa

