Huwag Mong Tangkain Na--

1912 Words

Nakamasid lamang ako sa mag-ama. Kitang-kita ko higpit ng pagkakayapos nito kay baby Xylone. Agad akong humakbang para lumapit sa security guard. Tiniyak ko na hindi nito basta bubuksan ang gate. Tatawagan ako kapag aalis na si Xavier. Aba! Mahirap nang dalhin nito si baby Xylone ko. Saka moment ng mag-ama ito, hindi ko muna sila aabalahin, kaya hinayaan ko lamang sila. Agad akong humakbang papasok sa loob ng bahay. Dali-dali akong pumunta sa kusina at agad na pumunta sa likod bahay upang puntahan si Paula. Agad kong nakita si Harvel na kausap ang mga kaibigan nito. May pagkain din sa harapan nila. Sana'y huwag ka agad umalis ang mga kaibigan ng aking anak. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko na hindi pa sila uuwi kaya hindi basta makikita si Harvel ng ama nitong si Xavier.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD