(HELENA’S POV) KAKAMOT-KAMOT ako sa ulo ko habang naglalakad papalapit kay boss Zach. Paano ba naman, dumating ka agad ito. Hindi pa nga ako tapos kay Mr. Jakerol. May dapat pa akong gawin sa hayop na 'yon. Ngunit hindi natuloy. Nakita ko naman na Iiling-iling ang boss ko habang nakatingin sa akin. “Sa tabas ng mukha mo, Agent Hell. Nakikita ko na parang hindi ka pa nasisiyahan sa ginawa mong pagpapahirap kay Mr. Jakerol. Eh, Halos mapuno na nga ng mga patak ng kandila ang buong mukha niya. Pati loob ng bibig ay hindi mo pinalampas— Mukhang nakulangan ka pa," natatawa sabi ni Boss Zach sa akin. “Hanggang ngayon kasi boss ay hindi ko matanggap ang ginawa nila sa aking anak--!” anas ko sa aking boss habang ang mukha ay hindi talaga maipinta. “Minsan talaga makakatagpo tayo ng mga taon

