Tuloy-tuloy akong lumabas ng building. Ngunit bigla kong nakita si Xavier na nagmamadaling naglalakad at agad itong lumapit sa akin. “Kamusta ang meeting mo, sweetheart? Teka bakit ganiyan ang mukha ko?” “Hmmm! Medyo, nainis lamang ako sa mga taong nandoon sa meeting—“ Sabay hilot ulit sa aking ulo. Nakita kong salubong ang kilay ni Xavier. Seryoso rin itong nakatingin sa akin. Mukhang alam na agad ng lalaki ang aking ginawa. Pasimple tuloy akong napangiwi. “May ginawa ka ba sa loob ng conference room, sweetheart?” tanong sa akin ng asawa ko. “Nakakainis, eh, ayon binato ko ng baso sa ulo!” Nakita ko naman ang sunod-sunod na pag-iling ni Xavier ng ulo. “Ako na ang kakausap sa kanila, pumasok tayo ulit sa loob ng Conference room, sweetheart.” Aangal pa san ako ngaunit agad na hin

