(RUFFA’S POV) Isa pang sipa ang ginawa ko kay Rebel. Pagkatapos ay lumapit ako rito upang hawakan ang panga nito nang mahigpit. “Hindi ka makakaalis sa galamay ko hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung na saan ang mga kayaman mo, Rebel!” Sabay bitaw ko rito ng marahas. Ngunit nagpahabol pa ako ng suntok sa panga nito. BALAK ko na sanang umalis nang magsalita ang lalaki. “Kahit patayin mo ako o pahirapan ay wala akong sasabihin sa ‘yo dahil wala sa akin ang susi ng Secret Room na 'yon. Kung ako sa ‘yo, hanapin mo sa Baryo Faldok ang susi!” sigaw ng hayop na si Rebel. Gigil na gigil kong tinadyakan ang hayop na lalaki. Mahina na nga ang katawan nito ay mayabang pa rin ito. Hayop! “Ruffa anak! Hayaan mo na ang inutil na ‘yan! Masisira lang ang aaraw mo! Halika na’t naghanda ako ng pag

