(Paula’s POV) Namumungay ang mga mata ko na tumingin kay idol Babalu. Mukhang galit yata ito sa akin. Teka ano bang ginawa ko rito na masama, wala akong matandaan? Lalo at marahas nitong tinabig ang aking kamay. Kinuha ko na lang ang bote ng alak at sunod-sunod ko itong tinungga. “My Idol Babalu, mukang kailangan ko nang umalis, saka napapansin ko na parang galit ka na sa akin, nakakapagtampo ka tuloy.” Agad akong tumalikod ngunit dala-dala ko pa rin ang bote ng alak na may laman pa rin. Pinilit kong maglakad ng tuwid at inaninag ang daan para makalabas ng bar na ito. Muli kong tinungga ang alak, hanggang sa maubos ko ang laman. Pagkatapos ay basta ko na lang ibinaba sa ibabaw ng lamesa. “Mag-iingat ka po, Ma’am,” narinig ko pang sabi ng security guard nang makita ako. “Aba! Sila ang

