Dahan-dahan akong lumapit sa aking baby na mahimbing na natutog. Maingat ko itong binuhat para dalhin sa aking kwarto. Kapag wala akong pupuntahan ay talagang katabi ko ito. Maliban na lang kung busy ako at nasa misyon ako ay ang yaya nito ang kasama. Tiwala naman ako sa yaya ng aking anak dahil galing din siya kay boss Zah. Siya si Yaya Gladel. Bago ako lumabas ng kwarto na ito ay sinabi kong matulog na ito. Kawawa rin kasi ito lalo at maghapon nitong inaalagaan si baby Xylone. Sobrang likot pa naman nito ang gusto ay maglalakad nang maglalakad. Panay tuloy habol ni yaya Gladel sa aking anak Maingat ko itong ibinaba sa kama. Timing ako sa aking anak. Sarap na sarap pa rin ang tuloy nito. Dahan-dahan akong tumabi rito. Ngunit hindi ka agad ako dinalaw ng antok. Nakatitig lamang ako sa k

