Mataman akong nakatingin sa harap ng malaking salamin dito sa aking kwarto. Nakatitig ako sa aking mukha habang panay ang haplos ko. Napahinga rin ako ng malalim. Pitong taon na ang nagdaan mula nang mangyari ang malagim na sinapit ko mula sa mga kamay ni Ruffa Tieves. Ngunit hinding-hindi ko ‘yon malilimutan. Kahit nagdaan ang mahabang panahon ay nakatatak pa rin sa aking isipin ‘yon. Ngunit hindi pa ako tapos sa hayop na ‘yon. Kailangan kong ibalik dito ang sakit na aking naranasan noon. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Dahil sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari sa akin noon ay para akong sasabog sa galit. Gusto kong gumanti. Ngunit hindi pa ito ang tamang panahon. Babalik ako sa Baryo Faldok at titiyakin kong sa aking mga kamay ay magdudusa ang hayop na si Ruffa. Ipaparanas

