Hanapin Si Helena.

2428 Words
Nanlalaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na ‘yon at kahit kailan ay hindi ko malilimutan. Walang iba kundi ang boses ni Xavier. Parang gusto kong maiyak at magtatakbo papalapit dito para yakapin ito nang mahigpit. Ngunit hindi ko puwedeng gawin dahil maraming hadlang sa amin. Saka hindi naman ako kilala nito, sobrang pangit ko na, tama ang mga sinasabi ng mga bata na halimaw ako. “Halimaw! Halinaw—!” malakas ulit na sigaw ng mga bata habang tumatakbo sila papalayo sa akin. Ako naman ay nanginginig ng mga oras na ito. Parang hirap akong ihakbang ang aking paa. “Are you okay? May masakit ba sa ‘yo? Tell me. Handa kitang tulungan—” narining kong sabi ng aking asawa mula sa likuran ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Kapag nagsalita ako ay baka makilala ako. Kahit na sabihin pang inaalis na raw ni Ruffa ang ala-ala nito dahil sa mga gamot na pinaiinom dito. Isang marahas na paghinga ang aking ginawa. At walang salita na umalis ako para lumayo sa aking asawa. Mas mabuting ako ang umiwas upang walang gulo na mangyari. Baka kasama rin nito si Ruffa. Hindi na ako papayag na muling makuha ng hayop na babaeng ‘yon. Kung mabigyan ako ng pagkakataon ay gaganti ako rito. Titiyakin kong ipaparanas ko sa hayop na babaeng ‘yon ang pighati. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Hanggang sa makarating ako sa bayan ng Baryo Faldok. Dali-dali akong lumapit sa tindahan upang bumili ulit ng tubig na malamig, bumili rin ako ng tinapay na puwede kong kainin kapag ginutom ako. Ngunit muli akong napangiwi nang maramdaman ko na naman ang paghapdi ang aking mukha. Dali-dali akong umalis dito sa harap ng tindahan. Pumasok ako sa loob ng kakahuyan at tuloy-tuloy akong pumunta mataas na talahib upang walang makakita sa aking mukha na parang halimaw. Agad kong inuhusan ng tubig na malamig ang aking mukha. Ramdam na ramdam ko pa rin ang init at hapdi nito at talagang nanunuot sa loob. Pagkatapos ay agad kong kinuha ang aking tinapay para kainin ito. Habang kumakain ay napatingin ako sa aking paa na sugat-sugat dahil walang sapin. Ngunit ayos lang ang mahalaga sa akin ay makalayo ako sa babaeng demonyo. Mayamaya pay inalis ko ang balabal ko para ilatag. Matutulog muna ako. Sobrang pagod ang aking buong katawan. Talagang nanghihina ako. Saka noong nakaraang araw pa ako hindi kumakain. Paglapat pa lang ng aking likod sa balabal na inilatag ko ay agad na akong nilamon ng karimlan. Nagising lamang ako dahil sa mga kwentuhan na aking naririnig. Hindi tuloy ako makakilos at baka may makapansin sa akin. Pero hindi naman ako makikita rito lalo at nagtataasan ang mga talahib dito. Ngunit biglang kumunot ang aking noo nang marinig ko ang pangalan ko. “Totoo ba ‘yon? Sumama sa ibang lalaki ang asawa na Mr. Xavier Viloria? Sabagay, masyado pang bata ‘yon kaya naghanap na ng ibang lalaki.” “Naku, ang sabihin mo, nangati lang ‘yon. Ano pa bang hahanapin niya kay Mr. Xavier? Matalino? Mayaman? Sikat na negosyante? Maraming negosyo sa iba’t ibang panig ng bansa? Na kay Mr. Xavier na ang lahat nang mga hinahanap ng mga babae, tapos nanlalaki pa ang Helena na 'yon. Kung titingnan mas gusto ko ang ugali noong Ruffa. Ang bait-bait noon. Talagang palangiti. Paano kaya naging kaibigan ‘yon ni Helena Avengo? Masyadong kiring-king ang Helena na ‘yon!” Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Kung alam lang nila kung gaano ka-demonyo ang hayop na si Ruffa. Sa mga ngiti at mabait na salita ni Ruffa ay nagtatago ang isang halimaw na babae. Hanggang sa muli kong narinig ang mga pinag-uusapan nila. “Iwan ko ba naman, kung bakit nagustuhan ni Xavier ang Helenang makiri na ‘yon. Kung tutuusi ay mas lamang na lamang si Ruffa sa babaeng ‘yon. Saka na kay Ruffa na ang lahat at puwedeng ipagmalaki ng mga lalaki. Mas bagay sila ni Xavier,” anas ng babae sa kausap nito. Parang gusto kong manakal ng mga taong marites. Oo tama sila, mayroon ngang maipagmamalaki si Ruffa. Ngunit kung titingnan ay baliw ang hayop na babaeng ‘yon. Bakit hindi nila nakikita ng totoong ugalis ni Ruffa? Mariin ko tuloy kinagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang galit. Sabagay, kahit ako noon ay hindi ko nakikita na hayop pala siya. Kailan ko lang nalaman na ganoon pala ang ugali ng hayop na Ruffa at may inggit sa katawan. Dahan-dahan na lamang akong bumangon lalo at nakaramdam na rin ako ng gutom. Bigla kong nahawakan ang aking tiyan dahil masakit na ito. Wala akong kain ng maayos simula noong nakaraang araw. Kailangan ko ring bumili ng tubig para ibuhos sa aking mukha na masakit. Muli kong ibinalot ng balabal ang aking mukha upang walang makakita na ibang tao dahil sasabihin na naman na halimaw ako. Maingat akong naglakad papunta sa Bayan ng Baryo Faldok. Ngunit kada hakbang ko ay napapadaing ako sa sobrang sakit ng talampakan ko. Ngunit kailangan kong tiisin upang makarating sa bayan. Inabot ako ng siyam-siyam bago makarating sa bayan. May nakita ako sa gilid ng daan na nagtitinda ng kanin at ulam. Bumili na ako ng tubig na malamig. Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pera ko. Ngunit kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi ako puwedeng maubusan ng pera. Baka mamatay ako sa gutom. Mabait naman ang pinagbilhan ko ng kanin at ulam. Talagang binigyan akong plato na plastik at ganoon din ang kutsara. Sa akin na lang daw. Pati tubig na malamig ay binigyan din ako nito. Natuwa naman ako dahil sa malaking lagayan nito inilagay. Tudo pasasalamat naman ako rito bago ako umalis sa harap nito. Bago ko alisin ang balabal ko sa aking mukha ay tumingin muna ako sa kaliwa at kanan ko. At nang makita kong walang ibang tao ay dali-dali kong ibinuhos ang tubig na malamig sa aking mukha. Mabilis lang ang mga kilos at baka may makakita sa akin. Napatingin naman ako sa balabal ko at nakita kong may bahid ito ng dugo na galing sa aking mukha. Isang buntonghininga na lamang ang aking ginawa. Hanggang sa muli kong takpan ang aking mukha. Pumunta ako sa tagong lugar para kumain upang walang makakita sa akin. Agad kong inilagay ang kanin sa plato na galing sa babaeng pinagbilhan ko. Kinuha ko ang gulay na binili ko. Ginataang langka ang ulam ko. Ito lang kasi ang murang tinda na ulam. Puwede na ito. Ngunit unang beses kong kakain ng gulay ngayon. Hindi ko kailangan mag-inarte at baka mamatay ako sa gutom na dilat ang mga mata ko. Hindi ko pa oras para mamatay! Dahil babalikan ko pa ang taong nagpahirap sa akin. At titiyakin kong magdudusa sila. Agad akong sumubo ng pagkain. At talagang sunod-sunod ang ginawa kong pagsubo dahil gutom na gutom na talaga ako. Ngunit nakakailang subo pa lang ako nang mawala sa aking mga kamay ang hawak kong plato. “Amin na lang ito. Kanina ka pa kain nang kain!” Malakas na sigaw ng isang lalaki. Kung titingnan ang edad nito ay nasa labing pitong taong gulang lamang ito. Nasundan ko na lang ito ng tingin habang naglalakad papalayo. Hindi talaga ako makapagsalita. Hindi ko naman ito magawang habulin dahil mahihirapan akong maglakad. Malungkot na lamang akong napahinga ng malalim. Agad kong kinuha ang tubig para uminom na lamang. Kahit paano naman ay nagkaroon ng laman ang aking tiyan. Dahan-dahan na lamang akong tumayo para humakbang. Naisip ko rin na mamalimos na lamang ako. May nakita akong maliit na lata kaya dali-dali ko itong kinuha. Gusto ko lang magbaka sakali. Kahit makabente pesos lamang ako ay masaya na ako roon. Agad akong naupo sa gilid ng daan. Inilagay ko rin ang lata sa harapan ko. Nakita kong maraming tao ang dumadaan. Ngunit mabilis kong inayos ang balabal sa aking mukha nang matanaw ko si Mama at kasama ni Mama ang hayop na si Ruffa. Bigla akong nakaramdam ng takot para sa kaligtasan ng aking Ina. Bigla naman akong napayuko dahil papunta sa sila rito sa aking pwesto. “Teka lang muna, Ruffa, kukuha lang ako ng pera. Kawawa naman ang pulubi,” narinig kong anas ng aking Ina. “Tita, huwag kang masyadong kaawain sa mga pulubing ‘yan. Hindi sila magbanat ng buto. Umaasa lamang sa mga hingi-hingi. Baka nga kasamahan sila ng mga sindikato. Hayaan mo na tita. Huwag ka na po siyang bigyan ng pera!” kontra ka agad ni Ruffa. “Naku! Ayos lang ‘yon. Ang mahalaga ay nakakulong ako. Walang problema sa akin.” Nakita kong isang libo ang inilagay ni Mama sa lata na nasa aking harapan. “Sobrang bait mo tita. Hindi ko alam kung bakit hindi nagmana sa ‘yo, si Helena. Hay! Sana lang ay nasa mabuti siyang kalagayan,” narinig kong anas ng hayop na babae. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Hayop ka Ruffa. “Sana nga hija. Sana ay makapag-isip-isip siya na mali ang ginawa niya. Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari sa batang ‘yon at basta na lang iniwana ng kanyang asawa—” narinig ko pang sabi ni Mama habang naglalakad sila papalayo sa akin. Mukhang siniraan na rin ako ni Ruffa sa aking pamilya, lalo na kay Mama. Naramdaman ko tuloy na may umagos na luha sa aking mga mata. Hanggang sa bigla akong napatingin sa lata na naglalaman ng isang libo na galing sa aking Ina. May kumuha kasi roon. “Kung gusto mong magkaroon ng pera, magbanat ka ng buto, ang kapal naman ng mukha mo na gastusin ang perang hindi mo pinaghirapan, isang basurang tao!” Tuloy-tuloy na litanya ng babaeng lumapit sa akin at walang iba kundi si Ruffa. Bumalik ito para kuhanin ang isang libo na galing sa aking Ina. Hindi ako nagsalita at nakayuko lamang ako. Ayaw kong malaman nito kung sino ako. Hanggang sa makita kong sinipa pa nito ang lata papalayo. Mariin ko na lang ikinuyom ang aking mga kamao. “Hayop ka Ruff…” Bulong ko sa aking isipan. Agad na ring umalis si Ruffa rito. Doon lamang nag-angat ang paningin ko. Nakita kong pumasok ito sa loob ng restaurant. Marahan akong humakbang para pumunta sa restaurant. Hindi naman ako papasok sa loob. Gusto ko lang masilayan ang mukha ng aking Ina. Tama lang pala na hindi ako magpakita kay Mama upang hindi sila mapahamak. Kahit hirap na hirap akong maglakad ay talagang pinilit kong makarating sa tapat ng restaurant. Naupo ako sa gilid na hindi masyadong napapansin ng mga tao. Ngunit biglang kumunot ang aking noo nang makita ko rin si Xavier na ngayon ay papasok sa loob ng restaurant. Parang pumayat ito. Saka, malago na rin ang balbas ng lalaki. Parang stress yata si Xavier. Napahinga na lamang ako ng malamin. Ilang saglit pa’y nakita kong lumabas si Ruffa at kasama nito si mama. Medyo napayuko ako ng ulo. Ngunit dinig na dinig ko ang usapan nila. “Ruffa, hija. Ikaw na ang bahala huh? Kung may balita ka kay Helena, sabihin mo ka agad sa akin. Anak ko pa rin siya at hindi ko siya kayang tiisin—” “Nauunawaan po kita, tita. Iwan ko ba naman dito kay Helena at kung ano-anong pinagagawa, hindi man lang niya naisip na may magulang siyang masasaktan at nag-aalala sa kanya—“ “Iwan mo ba kung anong nangyari sa batang ‘yon? Pero hindi ko siya matiis. Kaya nakiusap ako sa ‘yo na hanapin mo si Helena—” “Ako na po ang bahala, tita. Kapag may balita sasabihin ko agad sa ‘yo. Ingat ka po tita Hasie.” Parang gusto kong magbuga ng apoy habang nakatingin kay Helena. Bait-baitan ang hayop. Nakita kong sumakay ng kotse si Mama Hasie. Kumaway pa nga si Ruffa sa aking Ina. Nakita ko ring lumabas ng restaurant si Xavier. Dali-dali itong sinalubong ni Ruffa ay yumakap pa ito kay Xavier. Ngunit tumaas ang kilay ko nang mabilis na inalis ni Xavier ang kamay ni Ruffa sa beywang nito. “May asawa pa rin ako, Ruffa. Kasal pa rin kami at kailangan ko siyang makita—” “Xavier, nag-iisip ka ba? Huwag mong sabihin na tatanggapin mo pa rin ang babaeng ‘yon? Nasa kamay mo na ang papel na may pirma niya na gusto niyang mapawalang bisa ang kasal ninyo. Ano pa bang kailangan mo? May voice recorder na rin na pinadala sa yo at nagpapaalam sa ‘yo. Inuputan ka na nga sa ulo, ipapahanap mo pa rin ang Helena na ‘yan!” galit na sabi ni Ruffa. Medyo malapit sila dito sa pwesto na kung saan ako nagtatago. “Hayaan mo na lang ako, Ruffa. Buhay ko ito at wala kang karapatan na hadlangan ako. Hindi kita asawa!” Sabay lampas ni Xavier kay Ruffa. Kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Ruffa. Medyo natuwa ako dahil nalaman kong pinapahanan ako ni Xavier. Ngunit hindi ko alam kony bakit kailangan niya akong ipahanap, eh, pinaalis na nga niya ako? Ano kayang nangyari sa lalaking ‘yon. Natauhan na ba ito? Napatingin naman ako kay Ruffa. Kitang-kita ko ang galit sa mukha nito. May kausap din ito sa cellphone. “Gawin ninyo ang lahat upang makita ang babaeg ‘yon. Patay o buhay ay dalhin ninyo sa akin ang katawan niya upang walang maging sagabal--!” galit na sabi ni Ruffa sa taong kausap nito sa cellphone. Nakahinga lamang ako ng maluwag ang makita kong sumakay na ng kotse ang babae. Saka lang din ako umalis sa aking pwesto nang mawala sa aking paningin ang kotseng sinasakyan ni Ruffa. Agad naman akong humakbang. Ngunit napansin kong lalong sumakit ang aking paa. Muli na naman sumakit ang aking tiyan dahil sobrang unti lang ng kinain ko. Huminto ako sa gilid ng daan. Tumingin ako sa kaliwa at kanan. Nang makita kong walang mga sasakyan ay agad akong humakbang para tumawid sa kabilang kalsada. Aaminin kong parang nakalutang ako hangin ng mga oras na ito. Hawak ko rin ang aking tiyan na masakit dahil gutom na ako. Ngunit pagdating sa gitnan ng kalsada ay parang na walan ng lakas ang mga tuhod ko. Hindi ko a ito maihakbang. Takot na takot ako sa puwedeng nangyari sa akin lalo at nasa gitna pa ako ng kalsada. Ngunit bigla akong napaluhod dahil sa sunod-sunod na pagbusina ng isang kotse na papalapit sa akin. Dahil din sa sobrang takot na aking naramdaman ay tuluyan akong nawalan ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD