Sinapit Na Kapalaran!

2424 Words
Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Kaya ko bang halikan ang talampakan ng hayop na babaeng ito? Ngunit kung hindi ko naman gagawin ang pinag-uutos nito sa akin ay nakatitiyak ako na papahirapan ako nang husto ni Ruffa. “Ano pang tinutunganga mo riyan, Helena? Gawin ko na!” sigaw ng babae. Isang marahas na buntonghininga ang aking ginawa. Hanggang sa pikit mata kong hinalikan ang isang talampakan ng babae. Kasabay rin ang pagsabog ng luha ko sa aking mga tama. Pati ang isang talampakan nito ay pinahalikan sa akin ng babae. “Bravo! Ikaw na talaga, Helena. Minsan talaga ay may pagka-uto-uto ka rin. Ngunit hindi pa rin sapat ‘yon. Lalo na ngayon na kahit walang maalala si Xavier ay nababanggit pa rin ang pangalan mo kahit natutulog siya. Dapat ako lang ang palaging nasa utak niya at hindi ka kasama roon, Helena!” Sabay apak nito sa aking isang paa, dahil kaya napasigaw ako ng malakas sa sobrang sakit. “Ano pa bang gusto mo? Nakuha mo na si Xavier, siniraan mo na ako sa aking asawa. Ginawa mong impyerno ang buhay ko. Ang gusto ko lang naman ay hayaan mo na lang akong makaalis dito!” Malas na sigaw ko kay Ruffa. “Hindi pa rin sapat ‘yon, Helena. Dapat ako ang asawa ni Xavier at hindi ikaw. Mas nauna ko siyang nakilala kaysa sa ‘yo. Ngunit ano’ng ginawa mo? Nilandi mo siya kaya nagkagusto sa ‘yo si Xavier. Kung talagang gusto mong iwan nang tuluyan si Xavier, Pirmahan mo ang papel na ito. Kailangan mapawalang bisa ang kasal ninyong dalawa! Gumawa ka rin ng sulat na sumama ka sa ibabang lalaki!” Nakita kong may inabot na papel ang tauhan nito sa kanya. Wala akong choice! Kailangan kong pumirma sa papel na sinabi nito sa akin. Agad kong kinuha ang ballpen na inaabot ni Ruffa. Kahit nanginginig ang kamay ko at pinilit kong pumirma sa mga papel na inabot ni Ruffa. Kitang-kita ko ang mala-demonyong pagngisi ng babae. Hanggang sa may inabot ito sa aking voice recorder. Kumunot ang aking noo nang tumingin sa babaeng demonyo. “Huwag kang tanga! Gagamitin mo ang voice recorder na ‘yan. At lahat ng mga nakasulat sa papel na ito ay sasabihin mo habang nakabukas ang voice recorder. Now, simulan mo na Helena!” mariing sabi ni Ruffa. Malungkot akong napatingin sa papel na may mga sulat. Nakikita ko agad na hindi maganda ang sasabihin ko. Ngunit kung iyon lang ang tanging paraan para makaligtas ako ay gagawin ko. Agad na inutos sa akin ng babae na simulan ko nang basahin ang nilalaman ng papel. Masakit mang sabihin ang nilalaman ng papel ay wala akong ibang pagpipilian. Agad kong hinawakan ang papel. Ngunit parang dinudurog ang aking puso. Mayamaya pa’y agad na binuksan ang voice recorder. “Huwag na huwag kang iiyak, Helena!” pagbabanta ng babae sa akin. Naglabas din ito ng baril at agad na itinutok sa akin. Kahit gusto kong humagulhol ng iyak ay hindi ko magawa. Napatingin ako sa papel na aking hawak. Hanggang sa ibuka ko na ang aking bibig para simulang basahin ang mga nakasulat sa papel. “Xavier. . .” Ngunit napahinto ako sa pagsasalita dahil umagos ang luha ko sa aking mga mata. Kaya lang biglang hinila ni Ruffa ang aking buhok. Hindi naman ako nakadaing sa sakit dahil may baril na nakatutok sa aking ulo. “Huwag mo akong sagarin, Helena. Binabalaan kita!” Sabay hampas nito sa akin ulo. Muli nitong ini-off ang voice recorder. Pagkatapos ay gigil na gigil na simampal ako sa aking mukha. Napasigaw naman ako sa sobrang sakit. Dahil ang kabilang pisngi na may hiwa ay roon ako sinampal. Agad din nitong kinuha ang plantsa, pagkatapos ay mabilis na inaksak sa kuryente. Agad akong napaurong dahil sa sobrang takot. Ngunit may humawak sa aking braso kaya napahinto ako sa pag-urong. “Please! Huwag mong gagawin, Ruffa. Pangako, gagawin ko na nang maayos ang pinag-uutos mo sa akin---” Ngunit bigla akong napahinto sa pagsasalita at malakas ding sumigaw nang basta na lang idikit sa aking noo ang mainit na plantsa. Ramdam na ramdam ko ang hapdi ng noo ko. Parang gusto kong magtatakbo papalabas ng bahay upang maghanap ng tubig na malamig upang doon ilagay ang aking noo. “Tama na, Ruffa. Gagawin ko na ang pinag-uutos mo!” Umiiyak na sabi ko sa babae. Agad naman nitong inalis ang plantsa sa aking noo. Muli nitong inabot sa akin ang papel at binuksan ang voice recorder. Kahit sobrang sakit ng aking noo ay tiniis ko. Kailangan kong masabi ng maayos ang nilalaman ng papel. Isang malungkot na buntonghininga ang aking ginawa. Hanggang sa muli kong ibinuka ang aking bibig para basahin ang mga nakasulat sa papel. “Xavier. . . Sana’y maunawaan mo ako kung bakit sumama ako sa ibang lalaki. Napagtanto ko kasi na hindi pala ikaw ang lalaking nararapat sa akin. Saka buntis ako, Xavier. Ibang lalaki ang ama. Mas masarap kasi siya sa kama kumpara sa ‘yo. Siya nga pala! Gusto kong ipawalang bisa ang kasal natin. Ipapadala ko na lang ang papel na may pirma ko sa 'yo. Huwag mo na akong hanapin, Xavier. Dahil masaya na ako sa feeling ng ibang lalaki na kaya akong alagaan at paligayahin sa ibabaw ng kama. Siguro kong hahanap ka ng babae, mas mabuting si Ruffa na lang. Mas matino siyang babae kaysa sa akin, hindi katulad ko na sabik sa mga lalaki. Hindi kasi ako nasisiyahan sa isang lalaki lang ang gusto ko ay marami sila. Saka ilang beses na rin akong nagpalaglag ng anak natin. Dahil ayaw kong magkaanak tayo. Salamat din sa perang binigay mo may gagamitin na kami ng aking mahal. Saka huwag kang mag-alala dahil alam kong hindi ka pababayaan ng aking kaibigan na si Ruffa. Paalam, Xavier—” Mabilis na ini-off ni Ruffa ang voice recorder. Ngising-singi ang babae habang nakatingin sa akin. “Susunod ka rin naman pala. Pinatagal mo pa. Hmmm! Kaya lang ako ang tao na walang isang salita, Helena. Pasensya na. Saka tama lang ang aking gagawin upang hindi ka na makilala ni Xavier. Sige hawakan ‘yan!” “Ruffa, ano ‘to? Ginawa ko ang gusto mo! Ano ba!” malakas kong sigaw. Ngunit malakas lamang tumawa ang babae. Hanggang sa mahigpit na hinawakan ang aking ulo para hindi makagalaw. Kinuha nito ang plantsa na ngayon ay nakasaksak pa rin sa kuryente. Sunod-sunod na umagos ang luha sa aking mga mata. Kahit akong pagmamakaawa ko sa babae ay hindi ako pinakinggan nito. “Ahhhhhh!” malakas kong sigaw nang tuluyang lumapat sa aking mukha ang mainit na plantsa. Panay lang ang sigaw ko dahil sa sobrang sakit at hapdi. Nag-doble ang sakit nang pati ang kabilang mukha ko na hiniwa nito na may pangalan na Ruffa ay nilapatan din nito ng plantsa. Lahat taya ng parte ng mukha ko na makinis at nilapat nito ang plantsa. “Hindi ka na makikila ni Xavier. Sino pang papatol sa ‘yo Helena. Isa ka nang nakakadiring tao. Sige na, ilagay siya sa sako mamayang alas-diyes ng gabi para itapon sa dagat—” utos ni Ruffa sa mga tauhan nito. Agad itong umalis dito. Ngunit muli akong tiningnan nito nang mala-demonyo. Naramdaman kong may nagbuhos sa akin ng malamig na tubig. Bigla akong tumingin sa lalaking nagsaboy ng tubig sa akin. Ito lang naman ang lalaking nagdala sa akin sa kulungan ng aso noong nandoon ako sa bahay ni Xavier. “Kung makakatakas ka, gawin mo na. Dahil balak kang ipakain ni Madam Ruffa sa mga alaga niya…” Pasimple nitong inilagay sa aking kamay ang susi. May inabot din itong balabal sa akin. Nakita ko ang dalawang libo na inilagay nito sa bulsa ng pantalon ko. Pagkatapos ay dali-dali na itong umalis dito sa kulungan. Kahit sobrang hapdi ng aking mukha ay lumapit ako sa malaking bintana. Alam ko na ang hawak kong susi ay rito sa bintana. Puwede akong dumaan dito. Kailangan kong tiisin ang lahat ng masakit sa aking mukha. Ngunit bago buksan ang bintana ay kinuha ko ang damit at makapal na pajama na iniwan din ng tauhan ni Ruffa. Napapangiwi ako habang nagbibihis. Sobrang sakit talaga ng aking buong katawan at mukha. Dinampot ko rin ang lumang jacket para ilagay sa katawan ko. Kinuha ko ang dalawang libo na galing sa tauhan ni Ruffa. May isang tao pa rin pala ang naaawa sa akin. Hanggang sa damputin ko ang balabal. Muli akong tumingin sa pinto at baka may magbukas. Pagkatapos ay nagmamadali akong lumapit sa harap ng bintana. Dali-dali ko itong binuksan gamit ang susi na galing sa lalaking ‘yon. Sino bang pangalan noon? Hindi ko naitanong. Balak ko na sanang sumampa sa ibabaw ng bintana nang mahagip ng mga mata ko ang isang kutsilyo at lighter. Agad ko itong kinuha dahil kailangan ko ito. Hanggang sa pilit akong sumampa sa bintana. Wala akong sapin sa paa ngunit hindi ko ‘yon ininda ang tanging hangad ko ay nakaalis sa bahay na ito. Nang lumapit ang aking paa sa lupa ay nagmamadali na akong umalis dito. Napansin kong madilim ang buong paligid. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Ngunit sa patuloy kong paglalakad ay nakarating ako sa harap ng pader. Nandito pa ako sa lupain ni Ruffa. Kailangan kong makalis dito. Hindi kataasan ang pader kaya madali lamang akong nakatawid. Pagkatapos at muli akong naglakad nang mabilis. Napansin kong papasok ako sa kakahuyan. Maraming salamat din sa kaunting liwanag ng buwan kaya kahit papano ay nakikita ko daan. Ngunit bigla akong nakaramdam ng pagod. Isabay pa na lalong sumakit ang aking mukha. Kailangan ko itong ilubog sa tubig. Ngunit bigla akong lumiko papunta sa kanan. May narinig kasi ako na lagaslas ng tubig. Kailangan kong makarating doon. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa ilog na malakas ang agos ng tubig. Dali-dali akong lumusong sa ilog at agad na nilubog ang aking mukha. Parang kahit paano ay guminhawa ang aking pakiramdam. Hindi katulad kanina na sobrang init ng buong mukha ko. May nakita akong lumang galon. Dali-dali ko itong kinuha para lagyan ng tubig. Pagkatapos ay agad na akong umalis sa lugar na ito. Mahirap kung masundan ako ni Ruffa. Nagdaan ang halos mahabang sandali. Ngunit ang mga binti ko ay nanghihina na. Masakit din dahil wala akong pangsapin sa paa. Kailangan ko munang magpahinga. Dali-dali akong lumapit sa malagong talahib. Agad kong inilayag ang balabal na dala-dala ko. Pagkatapos ay agad akong nahiga. Tumingin ako sa kabiyak na buwan na ngayon ay nasa kalangitan. Mabuti na lang at kahit kabiyak ang buwan ay mayroon kaya nakikita ko ang daan kanina. Mayamaya pa’y dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong nilamon ng karimlan. Nang magising ako ay narinig ko ang ingay ng mga ibon. Balak ko sanang hawakan ang aking mukha, ngunit bigla kong naalala na masakit ito dahil sa ginawa ni Ruffa. Dahan-dahan na lamang akong bumangon. Kailangan ko nang makaalis dito. Ngunit kinuha ko muna ang galon na nilagyan ko ng tubig kagabi. Pagkatapos ay agad kong binuhos sa aking mukha. Pagkatapos ay kinuha ko ang balabal. Ito ang gagamitin ko upang takpan ang pangit kong mukha. Hindi ko alam kung maibabalik pa ito sa dati. Pero alam kong malabo nang mangyari na maging maganda ako. Hindi na ako makikilala ni Xavier. Isang buntonghininga ang aking ginawa. Hanggang sa mabilis na akong naglakad. May nadaanan ako ng puno ng bayabas na may bunga. Upang maibsan ang gutom na aking nararamdaman ay ito ang kinain ko. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa highway. Mahigpit kong hinawakan ang balabal sa aking mukha. Kailangan kong maghanap ng tindahan. Uhaw na uhaw na ako. Agad naman akong nakakita. Mabilis kong kinuha ang isang libo na galing sa tauhan ni Ruffa. Bumili rin ako ng tinapay. Hanggang sa muli akong naglakad. Muli akong nakadama na nanghihina ako dahil nandito pa rin pala ako sa Baryo Faldok. Ito ang lugar namin. Ngunit medyo nalayo sa bahay namin nina Xavier at sa mga magulang ko. Ayaw kong umuwi. Dahil ayaw kong madamay sila. Kung titingnan ay mukhang hindi basta-bastang tao si Ruffa. May baril ito at maraming tauhan. Kung babalik ako sa bahay ay nakakatiyak ako na mapapahamak sina mama at papa. At hindi ko ‘yon hahayaan na mangyari. Sabagay hindi naman nila ako makikilala dahil ang pangit ko na. Isang buntonghininga ang aking ginawa. Pagkatapos ay muli akong humakbang para maghanap ng puwede kong maupuan. Agad naman akong nakakita. Mabilis akong naupo sa malaking bato. Hirap na hirap pa nga akong maupo dahil ang sakit pa rin ng buong katawan ko. Napatingin din ako sa aking paa. Sobrang dumi nito at may sugat -sugat pa. Napangiwi rin ako dahil panay ang kirot ng aking mukha. Dali-dali ko tuloy kinuha ang malamig na tubig at basta ko na lang bunuhos sa aking mukha. “Ay! May halimaw! Halinaw!” malakas na sigaw ng mga batang nakakita ng mukha ko. Mabili ko tuloy tinakapan ang mukha ko gamit ang balabal. Agad akong tumayo para umalis dito. Ngunit parang nahilo ako nang may bumato sa aking noo. Naramdaman kong umagos ang dugo. Nakita kong malaking bato ang ibinato sa akin. “Ay! Bagay lang sa ‘yo ang batuhin kasi halimaw ka! Halimaw ka!” malakas na sigaw ulit ng mga batang kalye. Agad na lamang akong umalis dito. Ngunit panay ang ngiwi ko dahil paulit-ulit nila akong binabato ng mga batao. Panay ang tama sa aking likod. Muling umagos ang luha sa aking mga mata. Kahit hindi ako tumingin sa salamin ay alam kong sobrang pangit ko. Naisip ko tuloy na ito ang aking kapalaran ang maghirap ng sobra. Kung sumunod lang ako kina mama at papa noon sa mga bilin nila sa akin na mag-aral muna. Hindi sana ako aabot sa ganito. Totoo nga ang sabi ng aking Ina. Ang pag-aasawa ay hindi kainin na puwedeng iluwa kapag nainitan. Masyado akong masupok noon kaya nagdesisyon sila na ipakasala kami ni Xavier. Doon na kasi ako natutulog sa bahay nina Xavier noon at kahit anong saway sa akin ni Mama ay hindi ako sumunod sa kanila. Ito na ang karma ko dahil sa pagsuway sa aking mga magulang noon. Hindi na rin nila ako makikilala dahil sobrang pangit ng aking mukha. Muli akong napadaing ang may tumama sa aking likuran. "Halimaw siya! Dapat siyang patayin!" Sigaw ng mga bata. "Hey! Stop it. "Tingin ninyo ba ay maganda ang nananakit ng tao?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD