TALAMPAKAN!

1627 Words
Kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang mala-demonyong pagngisi ni Ruffa. Hindi ko alam na ganiyan pala kasama ang taong itinurin kong kaibigan noon. Kahit na sabihin pa na medyo may edad ito sa akin ay hindi hadlang ‘yon para hindi ko ito ituriny na kaibigan o parang kapatid ko na rin. Parang ate ko na rin ito dahil ito ng palaging pagbibigay ng payo sa akin kapag may problema ako. Isa rin ito sa natuwa nang malaman nitong boyfriend ko na si Xavier. Wala akonf mababakas na inggit sa katawan ni Ruffa noon. Para nga itong anghel kong bait. Ngunit ang totoong pagkatao pala nito ay demonyo. Saka pagdating kay Xavier ay talagang minahal ko ng tapat ang lalaki, kahit na sabihin pang nasa -27-years old na ito. Ngunit sa isang iglap ay bigla nagbago ang buhay naming mag-asawa. At ‘yon ay dahil kay Ruffa. Nakikita ko sa mukha ni Xavier na halos isumpa ako nito. Kahit anong paliwanag ko ay hindi na niya ako pinaniniwalaan. Muli akong tumingin kay Ruffa. Nakita kong may hawak itong sinturon. Bigla tuloy akong kinabahan. Gulat na gulat ako sa aking nakita at balak nito sa akin. Kabadong napaurong ako dahil sa takot. Ngunit malakas akong napasigaw nang sunod-sunod nitong hampasin ang aking binti ng sinturong hawak nito. Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng bakal at pagguhit ng sakit. “Helena! Helena! Ramdam mo na ba ang sakit? Ganiyan kasakit noong binaliwala ako ni Xavier dahil sa ‘yo. Ano bang mayroon sa isang katulad mong labing walong taong gulang lamang? Ay! Oo nga pala! Bukas ay labing siyam na taong gulang ka na, kawawang nilalang. Sa totoo lang ay inis na inis ko sa 'yo. Bakit ikaw ang nakikita ni Xavier? Ano bang pinakain mo sa kanya? Wala ka namang maipagmamalaki, kumpara sa akin na mayroon nang maipagmamalaking negosyo at may narating na sa buhay!” At muli na naman nitong hinampas ang binti ko ng ilang beses. Halos mapaluhod ako sa sobrang sakit. Kahit anong pagmamakaawa ko rito ay hindi ako pinakikinggan nito. Balak pa sana akong hampasin nito nang biglang pumasok sa ang isang lalaki. Kilala ko ito. At ito lang naman ang lalaking nagkulong sa akin sa loob ng kulungan ng aso. “Madam Ruffa, nagising na po si Mr. Xavier,” anas ng lalaki. Tumingin pa nga ito sa akin. Parang nababanaag ko ang kaunting awa nito. “Sige susunod na ako,” anas ng hayop na babae. Muli itong tumingin sa akin. Humakbang din ito para lapitan ako. Pagkatapos ay agad na hinawakan ang aking panga. “Hayop ka!” galit na sabi ko sa babae. Dinuraan ko rito ito at sapol na sapol sa mukha nito. Dahil sa aking ginawa ay muli na naman akong pinagsasampal. Pakiramdam ko’y kumapal ang aking mukha dahil sa lakas ng sampal nito. Medyo tumama rin ang aking likod sa pader. “Yes, talagang hayop ako. Hindi pa tayo tapos, Helena. Maglalaro pa tayo. Titiyakin ko na ang gagawin ko sa ‘yo ay hinding-hindi mo makakalimutan!” mariing turan nito. Sabay sipa sa aking binti. Napadaing na lamang ako sa sobrang sakit. Nang lumabas ang hayop na babae ay narinig kong ini-lock nito ang pinto ng silid na kung saan ako naroon at nakakulong. Hayop siya! Kailangan kong makatakas dito. Kailangan kong makaalis rito upang maghigante ako sa hayop na si Ruffa. Dahil masakit ang aking buong binti ay gumapang na lang ako papunta sa kabilang sulok. Bago makarating sa isang gilid ay tagaktak na ang pawis sa aking noo. Agad din akong sumandal sa pader at mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko lubos akalain na magiging impyerno ang buhay may asawa ko. Ang saklap ng aking kapalaran. Dahil sa pagod at sakit ng aking katawan ay agad akong nilamon ng karimlan. Ngunit muli akong nagising nang maramdaman kong may sumampal sa aking mukha. Mabilis kong iminulat ang aking mga mata at kitang-kita ko na naman ang matapang na mukha ni Ruffa. Sa tingin pa lang nito sa akin ay alam kong balak na naman akong pahirapan nito. “Ilabas ang babaeng ‘yan!” utos nito sa mga tauhan nito. Nagmamadaling lumapit sa akin ang mga tauhan nito at basta na lang akong hinila papalabas ng kwartong ito. Wala silang pakialam kung masaktan ako. Paglabas ng bahay ay agad akong pinaupo sa isang upuan. Agad nila akong itinali. Ngunit hindi ako nakapagsalita nang naramdaman mong may bumuhosa aking ulo. Hindi ito tubig. Amoy pa lang at alam kong mantika ito. Ngunit pagkatapos ng mantika ay isang malamig na tubig naman ang binuhos sa aking buong katawan mo. Talagang ramdam na ramdam ko ang lamig. Pakiramdam ko rin ay nagbuo-buo ang mantika na binuhos sa aking buong katawan. Hanggang sa marinig ko ang malakas na tawa ng hayop na si Ruffa. “Kawawang Helena. Alam mo bang nakikita kong para kang basahan ngayon. Puwede ka nang ihalo sa kanila,” baliw na sabi ng hayop na babae. Kitang-kita nagsensyas ito sa isang tauhan nito. Mas kinabahan ako dahil sa kutsilyo. Mayamaya pa’y pumunta sa aking tabi si Ruffa. Narinig ko ang utos nito sa mga tauhan na hawakan ako nang mahigpit. HANGGANG sa ipakita nito sa aking ang hawak ng kutsilyo. Ngumisi rin ito at parang pagbibigay ng babala. “Ano’ng gagawin mo sa akin, Ruffa?!” malakas na sigaw ko. “Ang gagawin kong ito ay tiyak na hindi mo malilimutan, Helena. Kahit mamatay ka pa!” mariing sabi ng babae. Pagkatapos ay agad nitong inilapit sa aking mukha ang dulo ng kutsilyo. Hindi nagtagal ay damang-dama ko ang sakit nang paggulit sa aking mukha. Tuloy-tuloy na umagos ang aking mga luha. Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ako makagalaw. “Saglit na lang ito, Helena. Huwag ka nang umiyak, ang pangit-pangit mo…” bulong sa akin ng babae. Pagkatapos ay malakas pa itong tumawa. Nang huminto ang babae sa pagkuhit sa aking mukha ay may kinuha itong salamin pagkatapos ay agad nitong pinakita sa akin ang itsura nang ginuhit nito sa aking mukha. “Hayop ka, Ruffa!” Malakas kong sigaw. Nang tuluyan kong nakita ang guhit sa mukha ko. At pangalan lang naman ni Ruffa ang inilagay nito sa aking pagmumukha. “Alam ko na ‘yan. Helena. Hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa. Sige na, ipasok na siya sa loob ng kulungan. Dahil mamaya ay may surprise pa ako sa kanya.” Agad na tumalikod sa akin si Ruffa. Ngunit nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin dito. Demonyo ka! Oras na katakas ako rito. Babalikan kita. Pagdating sa aking Kulungan ay basta na lang akong itinulak ng isang tauhan ni Ruffa dahilan kaya tuloy-tuloy akong napaluhod sa malamig na semento. Ramdam ko ang sakit ng tuhod ko. Ngunit hindi ko ‘yon ininda. Dahil nakatatak sa aking utak ang ginawa nito sa aking mukha. Dahan-dahan akong humiga sa malamig na semento. Hindi ko na kasi kayang humakbang pa para bumalik sa aking pwesto. Ramdam na ramdam ko rin ang pag-agos ng dugo sa aking mukha at kitang-kita ko ring pumatak sa malamig na sahig ang mainit na dugo ko. Gusto kong hawakan ang aking mukha ngunit natatakot ako, dahil sobrang pangit ko na. Panay lang ang iyak ko. Sa ganitong edad ko ay nakaranas na ka agad ako ng kalupitan ng mga taong makasalanan. Dahil sa panay ang pag-agos ng luha ko sa mga mata ay tuluyan akong nilamon ng karimlan. Nagising akong may sumipa sa aking likuran. Talagang napadaing ako sa sobrang sakit. Nang tingnan ko ang hayop na sumipa sa akin ay mukha ni Ruffa ang nakikita ko. Ngising-singi ito habang nakatingin sa akin. Ngunit mabilis akong napaurong nang nakita kong may hawak itong plantsa. Takot na takot tuloy ako sa puwedeng gawin nito sa akin. “Alam mo ba kung anong balak kong gawin sa ‘yo, Helena?” Sabay tawa nito ng malakas. “Hindi ka sana hahantong sa ganito kung iniwasan mo lang si Xavier noon. Ngunit hindi mo ginawa, nilandi mo pa rin siya! Kaya dapat ka lang pahirapan. Titiyakin kong hinding-hindi ka makikilala ni Xavier!” sigaw ng babae at talagang halos mabingi ako sa sobrang lakas ng sigaw ni “Hindi ko naman alam na may gusto ka kay Xavier. Sana, sinabi mo sa akin. Kasalanan mo rin, Ruffa. Tapos ngayon ako ang papahirapan mo—” Ngunit bigla akong nahinto sa pagsasalita nang sipain ako sa aking nguso. “Ang sabihin mo malandi ka lang, Helena. Gusto mo sa ‘yo lahat ang atensyon ng mga lalaki. Ngunit ngayon titiyakin kong pandidirihan ka ng mga lalaki. Hmmm! Pero puwede kang magmakaawa sa akin, Helena. Baka magbago ang isip ko. Simulan mo na ka agad!” Humakbang pa ito papalapit sa akin. Mas inilapit sa aking braso ang plantsa. Hindi naman mainit ito dahil hindi pa nakasaksak sa kuryente. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Wala akong choice! Kailangan kong sundin ang babaeng ito. “Please! Hayaan ko na lang ako, Ruffa. Pangako, hinding-hindi na ako magpapakita sa ‘yo. Hahayaan ko na lang kayo ni Xavier,” anas ko sa babae. Ngunit malakas na tumawa ang hayop na babae. “Kawawang Helena. Ano kayang sasabihin ng mga tao oras na makita ka sa kalagayan mong 'yan. Ang dating spoiled brat, ngunit ngayon ay nandito sa aking harapan at nagmamakaawa. Mas maganda siguro kung hahalikan mo rjn ang aking talampakan.” Sabay alis nito ng sapin sa paa at inilapit sa aking mukha ang talampakan nito. Hindi tuloy akong nakakilos. Parang maiiyak ako. “Ano Helena, ayaw mo ba? Alam mo naman na ayaw na ayaw kong pinaghihintag ako. Kaya gawin mo na. Ang kupad mo! Akala mo naman kagandahan ka! Eh, muka ka ng basahan ngayon!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD