Hindi ako nakapagsalita nang sabihin ni Dakido na ipapakulong niya si Paula. Nag-away na naman ba sila? Hindi na ako magtataka roon, palagi kasing nagbabangayan ang dalawang ito . Kahit noon pa naman at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila magkasundo na para bang nag-aagawan sila ng candy. Nasundan ko na lang nang tingin si Dakido na naglalakad papalayo sa akin. Ako naman ay nagmamadali na ring umalis sa bahay ni Xavier. Bigla kong natapik ang aking ulo dahil may nangyari na naman sa amin ni Xavier. Anak ng tipaklon. Baka mabuntis na naman ako. Agad akong sumakay ng taxi nang may huminto sa aking harapan. Pagdating sa aking bahay ay tuloy-tuloy akong pumasok sa aking kwarto. Pabagsak akong nahiga sa kama. Bakit ba hinayaan kong may mangyari na naman sa amin ng lalaking 'yon? “Ahhhhh!

