(Paula’s POV) Hindi ko alam kung ano’ng nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa aking tela na napunit at hawak ni Dakido. Ang baliw naman na si Doggy ay palipat-lipat pa ang tingin sa akin at sa tela na hawak nito. Mukhang nagulat dito ito sa ginawa nito. Sobrang higpit nang pagkakahawak nito sa aking damit sa likuran ko kaya nasira. Ahhhh! Nakakainis naman. “Alam mo ba na mahal na mahal ko ang damit na ‘yan, ngunit ano’ng ginawa mo? Sinira mo lang ang likuran!” sigaw ko kay Dakido Doggy. Kulang na lang ay mag-kombulsyon ako sa galit sa lalaking ito. “Sir at Ma'am. Kung may hidwaan kayong dalawa huwag na ninyo aking idamay, masyado na ninyo akong inaabala!” biglang sabi ng taxi driver. Dali-dali namang nagbayad si Dakido sa taxi driver. Pagkatapos ay agad itong lumabas ng taxi. N

