(HELENA’S POV) Iiling-iling na naupo ako sa kama. Agad kong kinuha ang aking cellphone dahil nakita kong tumatawag si boss Zach. Sinabi lang nito na kailangan ko raw pumunta sa opisina para sa aking misyon. Mabuti na lang at nakauwi ka agad kami. Pero nanghihinayang pa rin ako sa bahay at lupa na ‘yon. Sayang talaga ‘yon. Masyado lang maarte ang may-ari na parang babaeng naglilihi. Nakakasura. Hanggang sa nagdesisyon na akong umalis upang pumunta sa opisina ng boss ko. Dali-dali akong pumasok sa loob ng sasakyan at mabilis ko itong pinatakbo. Hindi naman nagtagal ay tuluyan akong nakarating sa tapat ng opisina ni boss Zach. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob nang sabihin ng secretary nito na kanina pa raw ako hinihintay. Agad akong naupo sa bakanteng silya. Pagkatapos ay agad nitong

