Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. At kitang-kita ko ang malapad na likod ng isang lalaki na pamilyar sa akin. Walang iba kundi si Xavier. Mukhang hindi pa ako nakikita dahil nakatalikod ito sa akin. Mariin ko tuloy kinagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang mapasinghap sa gulat. Parang gusto ko tuloy tumakbo papalayo sa lalaki. Diyos ko po! Hindi ko kasi alam kung ano’ng sasabihin ko ng mga oras na ito. Mabilis akong nagyuko ng ulo at dali-dali kong kinuha ang aking cellphone at nagkunwari na busy ako sa aking mga ka-text. “Bro, sumabay ka na sa aming kumain, ipapakilala kita sa aking ka-date ngayon kong sobrang ganda,” narinig kong sabi ni Dr. Alod kay Xavier Viloria. “Ms. Hell—!” pagtawag sa aking pangalan. Bigla tuloy akong napangiwi ng palihim. Pagkatapos ay dahan-dahan akon

