ANIMAL KA TALAGA!

1828 Words

Bigla akong napaurong papalayo sa lalaki at baka sakmalin ako ng wala sa oras. Ngunit para sa akin ay wala naman akong ginagawa rito na masaama, saka ang bait-bait ko kaya! Nakita kong tumayo ang lalaki. May kinausap itong pulis. Ngunit bigla akong napatingin sa pinto ng presinto nang pumasok ang isang lalaki. Naku po! Paktay si Banara! Ano kayang palusot ang idadahilan nito sa stepbrother nito. Ang tapang pa naman nito. Pasimple tuloy akong napayuko upang hindi nito makita. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang tuluyang lumampas sa aking harapan ang stepbrother ni Banara. Dahan-dahan naman akong lumingon. Ngunit gusto kong mamura ng malutong na katulad nang sinasabi ni Ms. Hell nang makita kong nag-usap pa si Dakido at ang Stepbrother ni Banara. Bigla kong hinilot ang noo ko, lagot ta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD