Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ng Ina ni Xavier. Talagang ayaw na ayaw nito sa manugang na may sabit o 'di kaya ay may anak sa una. Ayaw rin nito sa manugang na walang datong o negosyo. Ang gusto nito ay puwedeng maipagmayabang sa mga amega nitong mapang-lait din katulad ito. Agad ko na lang kinuha ang baso na may lamang tubig. Pagkatapos ay tuloy-tuloy ko itong nilagok hanggang sa maubos ko ang laman. Pagkatapos ay muli akong tumingin sa mag-ina. Gusto kong matawa dahil hindi na maipinta ang tabas ng mukha ni Xavier. Inis na inis ito sa Ina. Siguro kung hindi nito ina si Mrs. Xaron ay baka kanina pa nito itinapon sa labas ng restaurant. Agad na lamang akong kumuha ng pera sa aking bag. Pagkatapos ay mabilis kong inilagay sa ibabaw ng table para ibayad sa mga kinain ko. “Libre ko

