Parang kingilabot ang buong katawan kong nang marinig ko ang bulong ng lalaki mula sa likuran ko. Mas lalong humigpit din ang pagkakahawak nito sa aking batok at talagang ayaw akong pakawalan. “Bitawan mo ako ano ba, Mr?!” gigil na gigil na sabi ko sa lalaki. Ngunit parang bingi ang hinayupak na ito. Ngunit mas nagulat ako nang mabilis niya akong pinaharap sa kanya. Pero ang hudyong lalaki ay hindi pa rin nagpapaawat. At hawak pa rin nito ang aking batok nang mahigpit. Pati ang dalawang pulsuhan ko ay muli nitong hinawakan ng mahigpit. “Ano’ng kaya mong gawin, babae. Wala na kasi sa lugar ang galit mo, pati ang anak mo ay dinadamay mo. Simple lang gusto ng bata, tatawagin lang niya akong Daddy, walang masama roon, babae!” mariin sabi ng lalaki at halos maghalikan na kami sa sobrang lapit

